Floyd papa-ejected kapag may ‘party’

Walang karanasan sa pagko-coach sa National Basketball Association (NBA) si Tim Floyd kaya naman sa may apat na taong pagmando sa Chicago Bulls noong 1998-2001 nangamote ang team sa pagposte lang ng 49-190 win-loss record.

Pero ibinuko ni veteran sportswiter Kent McDill ang mas malalim na dahilan bukod doon sa paglupasay ng Bulls sa US major cage league tapos palitan ni Floyd si multi-titled coach Phil Jackson.

Ito ay ang sinasadyang pagpapa-thrown out ni Floyd sa bawat laro ng Bulls basta’t gusto lang tumoma o may party sa paboritong lugar na pang-nightlife sa Chicago na tinatawag at sikat na ‘The Lodge’.

Kinuwento ni McDill na sa isang maaga ng NBA season, na kick out si Floyd sa home game tapos ang paninigaw sa mga referee, at may nagtsutsu sa kanya na hindi pa man tapos ang laban ng team ay nasa The Lodge na ang bench tactician.

Madalas din aniyang makipag-meeting si Floyd sa ilang writers sa TL bago pa ang mga laro. At sa isang pulong makaraan ang isang buwan, nagtanaw-balik ang sports reporter, sa pregame meeting sa opisina ni Floyd.

“He was sitting in his office, his feet were up and he said something that [made me think], ‘He’s going to get thrown out tonight.’ After the meeting, I turned to another beat writer and predicted it. And he got thrown out that night! I don’t usually predict things like that, I just had a weird sense. It turned out he had party plans and he was, again, seen having a very good time at The Lodge that evening,” litanya ni McDill.

Hinirit pa niyang, “Then, it happened a third time. Each time he was ejected, it was at home. The third time he got kicked out, we all just looked at each other like, ‘They must be having a drink special or something.’” (Ramil Cruz)