Nanindigan ang ­Office of Solicitor General (OSG) na naaayon sa batas ang naging desis­yon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa inihaing komento sa Supreme Court (SC) kaugnay ng mga petis­yon na tumututol sa Marcos burial, iginiit ng OSG na ang desis­yon ni ­Pangulong Duterte ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan bilang may kontrol sa Philippine Veteran Affairs Office, sa prinsipyo at probisyon ng Konstitus­yon at maging sa international law.

Ipinaliwanag pa ng SolGen na ang Libingan ng mga Bayani ay isang ­national shrine para­ sa mga military memorials kaya naman nararapat lamang na mailibing dito si Marcos na isang war vete­ran at bilang dating Pangulo.

Hndi rin umano sinasagasaan ni Pangulong Duterte ang mga Martial Law victims nang magdesisyon ito na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos dahil hindi naman umano maaapektuhan ang kaso maging ang pagkakaloob sa mga ito ng kompensasyon kahit pa man nakalibing na si Marcos.

6 Responses

  1. Yong aso ni cory, hero yon kasi iyon yong nanguna sa edsa revolution. Tahol ng tahol, hindi na nakayanan ni Macoy yong nakabinging tahol, mas minabuti pa niyang sumama nalang sa mga Amerikano papuntang Hawaii kesa manatili sa Malakanyang. Kaya nong namatay yong aso, binigyan ng hero’s welcome, inilibing sa LNMB and everything else is history.

  2. Tama dapat lang na mailibig na si Marcos sa Libingan ng mga bayani kasi siya ay elected President in the Philippines at dapat ang hindi elected President sa ating bansa ang hindi pweding mailibig sa libigan ng mga bayani.