Nilampaso ni Pinoy FIDE Master Nelson Villanueva ang mga nakatunggali para sikwatin ang titulo ng Open Kategori KLK Tapah sa SM Sains ­Tapah, Malaysia.

Nakapuwersa ng draw si Villanueva kay Yip Thung ng host country tungo sa 6.5 points sa seventh at final round, sapat para iuwi ang korona.

Kumadena ng anim na sunod na ­panalo si Negros Occidental native Villa­nueva sa seven round, Swiss ­system event.

Kabilang sa mga biktima ni dating Rizal Technological University standout Villanueva sina seeded No. 2 Hao Xin Looi at No. 4 Lup Syamaizar na parehong Malaysian woodpushers.

Sunod na sasalihan ni Villa­nueva ang Kejohanan Catur Terbuka sa parehong lugar, makakasama ang mga kababayang sina IM Emmanuel ­Senador at Efren Bagamasbad.