FOI ipasa n’yo na! — Duterte

Hinamon kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa na ang matagal nang hinaha­ngad na Freedom of Information (FOI) Law.

Sa kanyang mensahe sa paghahain ng 2017 budget sa Kongreso na aabot sa P3.35T, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang FOI at sa Executive Branch ay pina­ngunahan na niya itong ipinalabas kaya naman­ umaas­a siyang susundan na rin ito ng Kongreso.

“We need to do much more to uphold the people’s right to demand information on government affairs, particularly on how their taxes are spent. I am for openness in governance,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kung magiging batas na ang FOI ay magagarantiya ang right to information ng taumbayan at isang hakbang din para gumawa nang tama ang mga nasa ahensya lalo pa at madaling makikita ang mga transaksyon o implementasyon ng mga proyekto.­