Kung mayroong maipagmamalaki ang Duterte administration na nakamit sa mga naipangako sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) isa rito ay ang Freedom of Information (FOI).
Ang Executive Order No. 2 o ang FOI ay ipinursigeng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipakita ang pagtataguyod ng kanyang liderato sa kapakanan ng mga mamamahayag.
Ang Presidential Communications Office (PCO) ang lead agency ang nakatutok sa FOI na nasa ilalim ng pamumuno ni Secretary Martin Andanar.
Ayon kay Andanar, kaisa ng mayorya ng mga mamamahayag ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagnanais na maging bukas ang komunikasyon ng media sa mga tanggapan ng gobyerno para sa mga mahahalagang impormasyon tungo sa mas balanseng pagbabalita.
Binigyang-diin pa ng PCO chief na bagama’t hindi saklaw ang Legislative at Judiciary branches ng gobyerno sa EO 2 ay saklaw naman nito ang lahat ng ahensiya at tanggapan ng gobyerno.
Mahalagang malaman ani pa ni Andanar ng taumbayan sa pamamagitan ng media ang records ng mga government agencies na direktang nasa tanggapan ng pangulo gayundin ang mga statistics, archives at dokumento mula sa mga government agencies.
Maliban sa bukas na access sa mga records ng mga government agencies sa ilalim ng Office of the President ay iginiit din ni Andanar na mahigpit din ang tagubilin ni Pangulong Duterte sa kaligtasan ng mga mamamahayag dahil naniniwala siya sa malayang pamamahayag.