Di na nakapalag pa ang tatlong Chinese na sinasabing supplier umano ng nadiskubreng iligal na ospital sa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark matapos pasukin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang warehouse sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ni NBI OIC Eric Distor, ang mga naaresto na sina Zidong Guo,53,doctor; Chen Weiming,31; at Hong Qiao Ling,28 nitong Huwebes .

Kinumpirma rin ng Clark Development Corporation (CDC) ang nasabing raid na pinangunahan ng NBI kasama CDC Public Safety Division at Food and Drug Administration sa 9999 Supermarket sa may Jose Abad Santos Ave, CFZ., dating “Shong Nong Hai Restaurant” di kalayuan sa supermarket na nagsisilbing stockroom at Domehouse sa Clark Hills na umano’y warehouse ng nasabing supermarket.”

“Upon inspection of the FDA personnel, undetermined boxes of Chinese products, Chinese medical devices and Chinese medicines were found thus samples were collected of each questionable items for product verification and analyzation,” ayon sa pinalabas na statement .

Nakita sa nasabing bodega ang ilang gamot mula China, pagkain at cosmetic product na umano’y binebenta para lamang sa mga Chinese.

Abot sa P20 milyong halaga ng mga gamot ang nakumpiska ng Food and Drug Administration.

Ayon kay Atty.Rustico Vigilia, nagsagawa muna ng testbuy at nang makumpirma ay sinalakay na ng NBI at tauhan ng Food and Drugs Administration(FDA) ang lugar kung saan naaresto ang mga suspek.

Sinampahan naman ng paglabag sa RA 2383(The medical Act of 1959),RA3720(The Food,drugs ,cosmetic Act na inamiyendahan bilang RA 9711(The Food and Drug Administration Act of 2009) sa Mabalacat Prosecutors Office.(Juliet de Loza-Cudia/RP/Rudy Abular)