Tiniyak na maipapasa sa Sangguniang Panlalawigan na madagdagan ang nakalaang pondo para sa pagkain ng mga nakadetine sa Bulacan Provincial Jail sa Capitol Compound sa Malolos City, Bulacan.
Ayon kay Provincial Board Member Therese Cheryll Ople, (1st District, Bulacan), isusulong niyang maipasa sa Provincial Board na mapataas ang budget ng mahigit 3,000 detenido sa nasabing piitan mula sa P37 ay gawin itong P50 kada-araw upang makaiwas sila sa iba’t ibang uri ng sakit o karamdaman tulad ng tuberculosis.