Food trip ngayong tag-ulan

Kung type mong hindi umalis ng iyong bahay ngayong panahon ng tag-ulan habang kumakain ng trip mong pagkain o humigop ng mainit-init na sabaw ay mamili ka na rito ng mga magugustuhan mo na siguradong patok na pagkain nga­yong tag-ulan.

Narito ang ilan sa mga personal­ na hinahanap-hanap ko sa tuwing sasapit ang ganitong panahon, so enjoy!!

Ginataang Halo-halo

Ang Ginataang Halo-halo ay isang Filipino dessert dish na binubuo ng iba’t ibang halo katulad ng kamote, purple yam at taro root.

Bukod sa mga ito ay hinahalulan din ito ng iba pang mga sangkap na plantains, butoca pearls at powder rice ball o bilo-bilo. Ang pagkaing ito ay kilala rin sa tawag na ‘binitbit’ sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sinigang na Bulalo

Ang Sinigang ay isa sa mga pinakapaboritong pagkain ng mga Filipino at kung hahaluan pa ito ng iba’t ibang pakulo ay mas lalong katakam-takam ito katulad ng Sinigang na Bulalo.

Chicken Arroz Caldo

Ang ‘arroz’ ay Spanish term for rice at ‘caldo’­ naman ang ibig sabihin ay soup. Sa mga purong ­Tagalog ‘nilugawang manok’ ang tawag namin ­dito. Masarap ito lalo na kung bagong luto at kung medyo malamig ang panahon.

Sa Tsino ay ‘congee’ ang tawag dito. At kagaya ng sa mga Tsino, marami rin ang inilalagay nilang sangkap dito para lalo pang sumarap. Kagaya ng manok, baboy, baka, tokwa at marami pang iba. ‘Yun lang, ang lugaw o congee ng mga Tsino ay medyo matabang. Kung baga, bahala ka na sa ilalahok mo rito para magkalasa. Hindi katulad ng arroz caldo o ‘yung nakasanayan nating lugaw na ginisa sa luya, bawang at sibuyas.

La Paz Batchoy

Ang Batchoy ay isang putahe na binubuo ng hiniwang baboy, mga inunan ng baboy at miki noodles.­ Ang pagkain na ito ay nagmula sa distrito­ ng La Paz sa Iloilo City, isla ng Panay.

Lumipas ang panahon, ang batchoy ay naging sikat na at isa na rin sa mga naging paboritong sabaw kasama ang beef mami, beef pares at bulalo.

Ang mga miki noodle na ginagamit sa recipe na ito ay gawa sa mga sariwang egg noodles, uri ng noodles na laging ginagamit sa mga iba’t ibang soup dishes. Narito kung paano ang paggawa.

Sukiyaki

Kung pamilyar ka sa mga Japanese hot pot dish ay malamang na narinig mo na ang Shabu-Shabu. Ito ay usually niluluto ng may mga maliliit na sliced beef at pork sa clear komby-based broth.

Ang flavor na masarap dito­ ay isasawsaw ito sa ponzu o sa sesame­ based sauce, actually hindi ko alam kung paano gumawa nito ­pero kung gusto ninyong i-try may alam akong mada­ling puntahan na puwede ninyong pagkainan, ahahahaha!!

Ito ay sa 2nd level ng Greenbelt 3, Greenbelt, Paseo de Roxas corner Legaspi Street, Ayala Center, Makati.

Suman sa Lihiya

Ang Suman sa lihiya ay isang traditional Filipino rice cake na karaniwang gawa sa glutinous rice na mas kilala­ sa tawag na malagkit na bigas. Bukod sa malagkit ay samu’t sari rin ang halo nito na root crops katulad ng cassava.

So, kung naghahanap ka para sa isang bagay para ma-satisfy ang iyong cravings ngayong panahon ng tag-ulan ay tara na at i-try na ang mga pagkaing ito, till here.