Football chief sinuspinde sa sexual abuse

Sinuspinde 90 araw ng International Football Federation (FIFA) si Haiti football chief Yves Jean-Bart dahil sa sexual abuse.

Nagdesisyon ang FIFA na i-ban si Jean-Bart, pangulo ng Haitian Football Federation (FHF), sa lahat football-related activities habang iniimbestigahan sa sex act.

Iniulat na nakatanggap pa ang mga bikitma ng death threats sapul nang malantad sa publiko sa nakaraang buwan ang kaso.

Iniimbestigahan ng FIFA si Jean-Bart sa multiple acts of criminal sexual abuse sa nakalipas na limang taon na mga nagabap sa Haiti national training complex.

Binuksan ang training centre noong 2001mula sa pondo ng FIFA.

Kilala ring “Dadou”, Pangulo ng FHF sapul noong 2000 si Jean-Bart. (Lito Oredo)