Huhugot ng 12 tsikiting edad na 10-12 para ipadala sa world-class football camps sa Malaysia sa September, at posibleng sa Europe sa December, mula sa Globe Telecom, Inc.-TM Football Para sa Bayan Clinics na sisipa ngayong July hanggang August.

Mag-uumpisa na bukas, July 23, ang free football clinics sa Philippine Football Federation National Training Center sa Barotac, Nuevo, Iloilo City.

Kasunod ang sa Sta. Maria Football Field sa Tali­say City sa July 24, Tionko Football Field sa Bolton Riverside, Quimpo, Blvd. “Agro” sa Davao City sa August 13, at sa De La Salle Santiago Zobel Football Field sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa sa August 20.

Sa pangatlong linggo ng September naman ­dadayo ang mga qualifiers sa Astro Kem Bola ­Advanced Training Program sa Kuala Lumpur kasam­a ang mga counterparts nila sa Malaysia at Singapore para piliin ang mga sasailalim sa two-week training sa Europe bago matapos ang taon.

Sa mga interesado, i-text ang name, birth date at contact number kay Deeg Rodriguez sa 0917-8843334 o mag-email sa footballparasabayan@gmail.com.