Football trophy nabenta ng $504K

Nasubasta sa record $504,000 sa auction ang Heisman Trophy na sinikwat ni Ricky Williams noong 1998 sa Texas.

Ang Heisman ang pinaka-pamosong award sa college football, kumbaga ay MVP. Iginagawad ito sa most outstanding player ng NCAA football.

Nilagpasan ng winning bid sa Fall Sports Memorabilia Collectibles ng Heritage Auctions ang dating record para sa Heisman na $435,763 na pinagbentahan ng 1987 trophy ni Tim Brown noong December.

Nakuha ni Williams ang trophy sa season nang maglista ng dating NCAA career record na 6.592 yards rushing para sa Texas Longhorns. Nang sumunod na taon ay binura ang kanyang record ni Ron Dayne.

Ang Heisman ni Williams ang huling ini-award bago ni-require ang trophy winners na pumirma sa kasunduan na ‘di nila ibebenta ang trophy.

Naluklok sa College Football Hall of Fame si Williams noong 2015.

No. 5 overall pick si Williams ng New Orleans noong 1999. Tumagal siya ng 12 seasons sa NFL (National Football League) sa paglalaro sa Saints, Miami Dolphins at Baltimore Orioles bago nag-retire pagkatapos ng 2011. (VE)