Footbridge ni congressman takaw disgrasya

May pinapagawa raw na footbridge si congressman sa kanyang distrito.

Higit sa 15 milyong piso raw ang ginastos sa pagpapagawa nito.

Pero ang nakakatawa, kinain ng footbridge ang isang linya ng kalsada.

Takaw disgrasya raw ito dahil maraming dumadaan sa outer lane at mabubulaga na lamang sa poste ng footbridge ng mambabatas.

Kapag nangyari ito, malamang na ipabaklas din ito ng DPWH pero wala nang paki dito si cong dahil kumita na siya sa proyekto.

Clue: Ang congressman na may footbridge na takaw disgrasya ay may letrang T sa kanyang pangalan as in tulay.