FOR THE KILL

Laro ngayon (FilOil Flying V Center)
2:30 p.m. — Foton vs. F2 Logistics

Hindi na papopormahin ng F2 Logistics ang Foton, pakakawalan na ng Cargo Movers ang finishing kick para tapusin sa dalawang laro ang Philippine Superliga All-Filipino Conference finals mamaya sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Sa likod ng stars ng UAAP champion La Salle,­ inunahan ng F2 ang Foton 25-20, 25-14, 9-25, 20-25, 15-10 noong Huwebes sa sagarang opene­r ng championship series ng torneo na suportado ng KLab Cyscorpions, Mikasa, Asics at Mueller.

Kumana si Aby Marano ng 17 puntos para sa Cargo Movers.
Umarangkada sa first two sets ang F2 Logistics, pero nagpakawala ang Foton ng kargadong serves at malalakas na middle attacks sa pamumun­o ni Jaja Santiago para itabla ang laban sa tigalawang sets at makapuwersa ng decider.

Masaya si Cargo Movers coach Ramil de ­Jesus na hindi bumitaw ang mga bataan.
“Pinakita nila ang character nu’ng fifth set na kahit nakunan ka ng dalawang sets, ‘yung character and maturity makikita sa loob,” pahayag niya.

Kinapos ang 22 points ni Sisi Rondina at tinapos na 19 ni Santiago para sa Foton.

Siyempre ay ayaw isuko ni Foton coach Villet Ponce-de Leon ang laban. Masyado raw gigil ang kanyang Tornadoes, pero kahapon ay suma­ilalim sila sa brutal na praktis para i-correct ang mga pagkakamali sa Game 1.

Isa sa sinolusyunan ni Ponce-de Leon ang reception department nang dominahin sila ng Cargo Movers, 53-41.

“Buhay pa kami,” giit ni Ponce-de Leon. “We will take this one point at a time, one set at a time, one game at a time.”