Kakatok muli sa Phili­ppine Basketball Association ang 2013 fourth overall pick na si James Forrester.

Nasilayan si Forrester sa practice ng TNT KaTropa. Ang dating manlalaro ng Ginebra ay nagpalipat-lipat rin sa Barako Bull, Phoenix, NLEX, Blackwater at GlobalPort.

Matapos mabigo sa kanyang karera sa PBA, nag-alok ang isang koponan sa ASEAN Basketball League, ang Formosa Dreamers, para maging local import ng koponan.

Ngunit hindi rin na­ging mabuti ang kapalaran sa 29-anyos na manlalaro, nagtamo ng ruptured achilles dahilan upang maupo ng abot isang taon at mabakante sa basketball.

“While I was in Taiwan, I ruptured my Achilles. I’ve been out of play for about a year. I was going back and forth between Manila and Toronto doing rehab sessions and getting myself back in shape,” saad ni Forrester sa artikulo ng Spin.ph. (RP)