Good news para sa kababaihan: May tatlong lugar sa Intramuros, Manila na libre ninyong malilibot sa National Women’s Day!

Ayon Facebook post ng Phi­lippine Commission on Wo­men (PCW) libreng mabibisita ng mga babae ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluar­te De San Diego sa dara­ting na Linggo, Marso 8, 2020.

Sa karaniwang araw, P75 ang regular na bayad at P50 ang bayad para sa mga bibisitang mag-aaral, senior citizen, o bata.

Bukas ang Fort Santiago mula 8 AM hanggang 11 PM (magpapapasok hanggang 9 PM), ang Casa Manila mula 9 AM hanggang 6 PM, at ang Baluarte mula 8 AM hanggang 5 PM.

Bukod dito, inanunsiyo rin ng National Museum na libre rin sa Linggo ang 10 am, 2 pm, at 3:30 pm shows sa National Planetarium. (Riley Cea)