Dinarayo ng mga gustong matuto ng photography at mga professional photographer ang Fort Santiago kung saan ang Federation of Philippine Photographers Foundation ay nagtuturo ng photography courses.

Makakaasa ang mga magpapatala sa basic photo course na madali nilang matututu­nan ang photography at higit na mapapalawak ang kanilang kaalaman kung kukuha sila ng mga kurso para sa professional photographer.

Ang basic photo courses ay para sa mga baguhan na gustong matuto ng photography at special cour­ses sa mga professional photographer na gustong mas maging bihasa upang makahigit sa kapwa photographer na maituturing na ganap na propesyonal.

Sa mga baguhan, may isang lesson plan upang matutunan nila ang paggamit ng came­ra at makakuha ng lit­rato sa loob lamang ng 5 araw o 40 oras. Para sa mga corporate employer, mas maigsing oras sa paggamit ng camera na ang resulta ay tamang pagkuha ng litrato.

Gaganapin ang susunod na 5-Sabado basic photography seminar umpisa sa Marso 16 samantalang ang weekday sa Mayo 13-17. Susunod na advanced course sa Marso 23-24 at 30-31, Videography sa Abril 7 at 14 (2 Linggo), Wedding sa Mayo 18.

Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, Tel. 5247576/5280371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.