Foton, F2 unahan sa opener

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Center, San Juan)
4:00 p.m. — RC Cola-Army vs. Petron
6:00 p.m. — F2 Logistics vs. Foton

Uumpisahan ng F2 Logistics at Foton ang best-of-three championship showdown sa Philippine Superliga All-Filipino Conference mamaya sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Bago ang basagan, magtatagpo muna para sa third place trophy ang RC Cola-Army at Petron.­
Ipinarada ng Cargo­ Movers ang core ng La Salle na nag-champion­ sa UAAP at naging pre-tournament favorite, naipanalo ang lahat ng asignatura sa first round bago pinagtutumba ang RC Cola-Army at Petron sa second.

Kaya lang, natisod ang F2 sa Foton sa final game ng prelimina­ries 25-19, 20-25, 23-25, 19-25, bago bumalikwas para kalusin ang Petron sa semifinals.

Sinabi ni Cargo Mover­s coach Ramil de Jesus na gutom pa ang kanyang squad, lalo’t hindi pa nananalo ng titulo sa labas ng collegiate league.

“We’re most focused and concentrated because we haven’t tasted­ any title outside the UAAP and other collegiate leagues,” ani De Jesus. “I hope this will be it. We’re hungry to win.”

Sa kabilang banda, mabagal ang umpisa ng Foton sa torneo pero nang mag-init ay hindi na mapigil.

Sasandal pa rin ang Tornadoes kina Jaja Santiago, Angeli Araneta at Maika Ortiz sa gitna, s­amantalang nakaka­gamayan na nina spikers EJ Laure, Cherry Rondina at Patty Orendain si playmaker Rhea Dima­culangan.

“We’re peaking at the right time,” punto ni Foton coach Villet Ponce-de Leon. “I just hope we can sustain the momentum and carry it to the finals.”