Foton nadalawahan sa Thailand

foton-tornadoes-team-AVC

Dalawang sunod na tirik ang inabot ng Foton Pilipinas, pero hindi bumaba ang morale ng team sa kampanya sa 2016 Select Tuna Thailand Volleyball League sa Wi Sommai gym sa Sisaket Province, Thailand.

Unang natisod ang Tornadoes sa kanilang debut kontra EPA Sisaket 25-13, 25-10, 25-18 noong Miyerkules, bago sumadsad ulit sa Bangkok Glass 25-20, 25-22, 20-25, 25-18 nitong Huwebes.

Ginagamit ng Foton ang Thailand joust bilang warmup sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Sept. 3-11 sa Alonte Sports Center sa Biñan.

Inasahan na ni Tornadoes coach Fabio Menta­ ang dalawang talo, lalo’t hindi pa nagkakagama­yan ang team. Isinahog sa squad sina imports ­Ariel Usher at Lindsay Stalzer, at sina guest players Jen Reyes ng Petron, Aby Maraño ng F2 Logistics at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army.

Pero hindi ­nakasama sa trip si Gonzaga ­dahil sa kawalan ng ­travel permit mula Philippine Army, samantalang nagpaiwan din si middle blocker Jaja Santiago dahil kailangang asikasuhin ang pag-aaral sa National U.

“I am very satisfied with the team fighting point by point with the Asian champion,” ani Menta matapos yumuko sa Bangkok Glass. “They showed great personality on the court. We adjusted the block positions so we can be there in defense. All players performed according to game plan.”

Tatapusin ng ­Foton ang preliminary assignment laban sa Rungsit University ngayon.