Target ng Foton-Pilipinas na sumampa sa Final Four pagsargo ng Asian Club Women’s Championship sa darating na Setyembre 3 hanggang 11 sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.
Ipinakilala ang 18-woman pool kahapon sa naganap pressconference sa Crimson Holtel sa Filinvest, Alabang pero 14 lang ang matitira para samahan ang dalawang foreign players na haharap sa mga bigating Asian volleybelles na kalahok sa nasabing prestihiyosong event.
“I have full confidence in my team and 70% papasok kami sa top 4,” saad ni Foton Pilipinas team manager Alvin Lu.
Paniguradong kasama sa 14 players sina local reinforcements na sina RC Cola-Army teammates Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga, F2 Logistics star Aby Maraño at Jen Reyes ng Petron.
“Malaking bagay ‘yung pagpasok nila ate Rachel (Daquis), Jovelyn (Gonzaga), Aby (Maraño) at Jen kasi mas lumakas ‘yung team namin,” saad ni 6-foot-6 Jaja Santiago. “Hindi naman sila mahirap kasama dahil nakakasama namin sila sa ibang tournaments.”
Ang mga Foton players na nag kampeon sa Philippine Super Liga Grand Prix nakaraang taon ay sina Jaja Santiago, Patty Orendain, Ivy Perez, Angeli Araneta, Bia General, Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Cara Acevedo, Carol Cervaza, EJ Laure at Cherry Rondina.
Ang dalawang foreign imports ay sina Ariel Usher at Lindsay Stalzer.
“We’re happy to have a team like Foton, coming from a Cinderella story in the PSL,” ani PSL chairman Philip Juico.
Ang mga powerhouse teams na kalahok sa Asian Championship ay ang defending champion Bangkok Glass ng Thailand, North Korea’s April 25, Sarmayeh Bank ng Iran, Hisamitsu Springs ng Japan, Almaty ng Kazakhstan, Bayi Army ng China, Chinese-Taipei, Jakarta, Electric ng Indonesia, Hong Kong at Vietnam.
Magka-bracket ang Foton-Pilipinas, Hong Kong at Vietnam.
Samantala, sa Agosto 17 ilalahad ang official line-up.