Mga laro sa Martes: (Baliwag, Bulacan) 
5:00 p.m. – Cherrylume vs Cocolife 
7:00 p.m. – Generika vs Cignal

Pinutol ng Petron ang pamamayagpag ng Foton at silatin ang ikaanim nitong laro via five-setter, 25-20, 18-25, 21-25, 25-19, 15-11 sa Pool C. Habang nasolo naman ng F2 Logistics ang unahan ng Pool D nang talunin ang Sta. Lucia, 25-18, 25-16, 18-25, 25-10 kahapon sa second round ng Philippine Super Liga All-Filipino Conference sa Batangas Coliseum.

Nahablot rin ng  Petron ang ikaapat na panalo kontra dalawang talo, habang 5-1 naman ang Foton.

Matapos kunin ang first set, 25-20, bagsak sa sumunod na dalawang sets ang Petron, 25-18, 25-21, kung saan isang set na lang ang kailangan ng Foton para tapusin ang laro.

Pero, hindi nagpabaya ang Petron nang itabla ang set, 2-2.

Hinataw ng Cargo Movers ang four-game wining streak upang ilista ang 4-2 card at harapin sa quarterfinals ang No. 4 team sa Pool C.

Nakatuon ang Cargo Movers sa pagwalis sa Lady Realtors matapos lumamang ng tatlo, 9-6 sa third frame.

Hindi pumayag ang Sta. Lucia na maaga silang uuwi, lumaban nang sabayan upang humaba pa ang kanilang hininga.

Naitabla ng Lady Realtors sa 11-all at kinuha pa nila ang bandera, 14-11 subalit pumalag ang F2 Logistics matapos hatawin ang 4-1 run upang magkita muli sa 15-15.

Sa sumunod na play, kumana naman ng 4-0 run ang Sta. Lucia para hawakan muli ang bandera tungo sa pagkopo ng set 3.

Ganadong inum­pisahan ng Lady Realtors ang fourth, hinawakan agad nila ang 4-2 lead pero humarurot ang Cargo Movers ng 13-0 run upang tuluyan nilang pagpahingahin ang kalaban.

Tumikada si Kim Dy ng cross court hit at sinundan ni reig­ning UAAP MVP Majoy Ba­ron ng back-to-back service aces para ilagay ang F2 Logistics sa ibabaw, 15-4 sa fourth set.

“Ang dami naming errors sa third set kaya nahirapan kaming huma­bol,” saad ni Best Pla­yer of the Game, Baron.

Nalasap ng Sta. Lucia ang pang-apat na talo sa anim na laro, nasa pangalawang puwesto sila ng Pool D habang pangatlo at pang-apat ang Cocolife, (1-4) at Cherrylume, (0-5) ayon sa pagkakasunod.