Umiskor si Jaja Santiago ng conference-high 35 points para balikatin ang Foton sa 25-20, 25-23, 23-25, 25-15 panalo kontra Generika-Ayala sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan kagabi.

Naglista si Santiago ng 30 attacks, three aces at two blocks para itulak ang Tornadoes sa pangalawang panalo sa torneo na suportado ng Rebisco, Belo, Gold’s Gym at official broadcaster TV5.

Sa record, pang-apat si Jaja sa may pinakamara­ming naiskor sa liga sa likod ng ate niyang si Dindin Manabat (37), Stephanie Niemer (38) at Kristy Jaeckel (40).

“Jaja is an important player for us in this All-Filipino,” diin ni Foton coach Moro Branislav.

“As you see we have seven new players. We have a new setter. This is very difficult for us. I’m glad Jaja is there to help us pull it through.”

Sa opening ceremony, pinangunahan ni long jump specialist Katherine Kay Santos, La Salle students at members ng national table tennis team ang solicitation para sa donation kay Ian Lariba, ang Rio Olympian na na-diagnose na may acute myeloid leukemia.

Sinabi ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara na kaisa ang liga sa pagtulong kay Lariba, binigay din ng PSL ang kalahati ng ticket sales nila sa first two playdates para sa medical fund ng Olympian.