Foton sumalo sa tuktok

Mga laro bukas: The Arena, San Juan City
5:00 p.m. – RC ­Cola-Army vs Cignal
7:00 p.m. — Petron vs Foton

Sinuyod ng Foton sa tatlong sets ang Cignal,­ 25-19, 25-14, 25-16, upang sumalo sa tuktok­ ng Asics Philippine ­Superliga (PSL) Grand Prix kahapon sa General Trias Sports Center.

Kinamada ni reinforcement Lindsay Stalzer ang 17 points habang may 11 si Maika Ortiz para sa Tornadoes na kapit ang 8-1 karta at sinamahan sa top spot ng team standings ang tigasing Petron.

May isang laro pa ang defending champion­ ­Foton pero kahit matalo­ ay mananatili silang ­aabante sa semifinals at ang makakalaban nila ay mangga­galing sa knockout playoffs.

Maghihintay ang top two teams pagkatapos ng preliminary round, makakalaban ng No. 3 ang No. 6 habang katapat ng No. 4 ang No. 5 sa sudden-death playoffs.

Lalabanan naman ng mananalo sa pagitan ng third seed at No. 6 ang No. 2 habang toka ng top seed ang mananaig sa fourth seed-No. 5 match sa isa pang do-or-die semifinal showdown sa Disyembre 3 sa Ibalong Centrum sa Legazpi City.

Bumakas sina Ariel Usher at Jaja Santiago ng tig-walong puntos para sa kulang sa armas na Foton.

Hindi nakapaglaro­ sa Tornadoes sina University­ of Sto. Tomas­ Tigresses Cherry Rondina­ at EJ Laure dahil kailangan nilang pumasok sa kanilang klase.

Si American import Laura Schaudt ay umiskor ng 12 markers para sa HD Spikers na nalasap ang pang-walong kabiguan sa siyam na laro.

Samantala, tinapos ng F2 Logistics ang prelims campaign sa pamamagitan ng straight set win kontra RC Cola-Army, 25-13, 25-21, 25-11 sa second game.

Dahil sa panalo, pormal na inangkin ng Cargo Movers ang third spot.