Key Players: De’Aaron Fox, Buddy Hield, Marvin Bagley III, Zach Randolph, Iman Shumpert, Cory Joseph, Harrison Barnes, Trevor Ariza
Roster: Marvin Bagley III, Nemanja Bjelica, Bogdan Bogdanvic, Corey Brewer, Alec Burks, Willie Cauley-Stein, Cody Demps, Yogi Ferrell, De’Aaron Fox, Wenyen Gabriel, Harry Giles, Justin Jackson, BJ Johnson, Kosta Koufos, Skal Labissiere, Frank Mason, Ben McLemore, Iman Shumpert, Zach Randolph, Troy Williams
Key Additions: Caleb Swanigan, Cory Joseph, Harrison Barnes, Trevor Ariza
Coach: Luke Walton
Rank: 9th in Western Conference
Record: 39-42
Kinapos man at naunsyaming makapasok sa playoffs ang Sacramento Kings nitong nakaraang Western conference, wala itong ibang patutunguhan kundi bumawi at magpakitang-gilas sa magbubukas na 74th National Basketball Association 2019-20.
‘Di maikakailang malaking bagay at yaman sa Kings si De’Aaron Fox dahil isa ito sa most improved player sa liga nang maglista ng magandang performance. Kung ipagpapatuloy niya ang kanyang tikas, garantisadong mabibingwit ni Fox ang titulong best point guard.
Bukod kay Fox, alas din at magiging kaagapay niya sa backcourt si Buddy Hield na rumaratsada rin sa pagiging maliksi para patunayang deserving ang bawat minutong binibigay sa kanya sa laro.
Nagpatikim si Buddy ng mahigit 20-point average per game sa unang pagkakataon sa kanyang NBA career kaya malaking banta siya sa 3-point line.
Patutunayan naman ni Marvin Bagley III na epektibo siyang power forward – kahit na ikalawang taon pa lamang niya sa NBA upang magmarka at mapahaba pa ang playing time sa liga. Malaking potential si Marvin sa koponan lalo na’t taglay niya ang high-end athleticism at offensive versatility.
Maikokonsiderang 4th youngest team sa liga ang Sacramento Kings dahil puro bata o young core ang mga player kaya napagdesisyunan nilang ibalik ang 1x NBA Champion na si Harrison Barnes para akbayan at maging sandalan ng nakababatang koponan.
Sinama rin nila sa listahan si former Atlanta center Dewayne Dedmon para sumaklolo kay Bagley habang sina Trevor Ariza at Cory Joseph ay maituturing ding susi sa tagumpay ni new Kings coach Luke Walton dahil sa pagiging beterano na sa playoff. (Aivan Episcope)