IKINASAL na si Francine Prieto sa molecular biologist na si Frank Shotkotski sa Casa Mariantonio in Isle of Capri, Italy.

“I have found the one whom my soul loves.” [Song of Solomon 3:4]

Sobrang in love si Francine na parang nakakita ng missing father figure sa kanyang pinakasalang partner.

***

Lungkut-lungkutan si Ai Ai de las Alas sa paghihiwalay ng Hollywood power couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Hanash ni Ai Ai sa Instagram, “I am very much broken hearted. sobrang idol ko si Brad Pitt sobraaaaaaaaa !!!! lahat ng movie niya pinapanood ko at literal na tumulo ang laway ko habang nanonood ako ng Meet Joe Black sa sobrang gwapo niya…

“Then nag-asawa siya .. Dati ayaw ko si a­ngelina pero dahil mahal siya ng idol ko kaya tinanggap ko na rin siya #feelingera­feelingclose…

“Tapos ngayon, hiwalay na sila naluluha ako… Ang dami pa naman nilang anak …

“Hindi ko ma-explain ang sadness ko… Bakit nga ba? Di ko naman sila kaanu-ano?? Maybe dahil super fan ako ni Brad.. “Anyway, wala lang gusto ko lang i-share nararamdaman ko tungkol sa issue na to……

“LOVE IS AN UNCONDITIONAL COMMITMENT TO AN IMPERFECT PERSON.. TO LOVE SOMEBODY ISN’T JUST A STRONG FEELING … IT’S A DECISION, A JUDGEMENT AND A PROMISE…

“GOD BLESS YOUR CHILDREN. @brangelinaofficial”

***

Happy birthday kay Senator Bong Revilla na mahal na mahal pa rin ng ating industriya.

Sa isang pagtitipon, nasabi ni Senator Bong ang pagkadismaya niya sa isang naging direktor niya na chummy-chummy sa kanya pero noong makulong siya ay never na siyang kinumusta at sinilip man lamang.

Talk about fair-weathered friends. Hindi ba’t may ganito rin si Senator Jinggoy Estrada?

***

Sensational! Extra-Hot ang Search for One-Side Bikini King bukas (Sabado) nang gabi sa One 690, #39 Roces Av., Quezon City (tapat ng Amoranto Sports Stadium).

Pangako ng program host na si Genesis G­allios, sulit na sulit ang tiket na P300.

Aligaga si Bembem Kho aka Michael Espanto (0906-484-9218) sa paghahanda ng costumes and accessories,

Aba! Tatlong segment na naka-one side bikini ang 12 pogilicious hunks, huh?!

‘Di ba, Choco Batok?

***

No comment ang mga taga-PMPC tungkol sa kinasasangkutang isyu ni Herbert Colanggo na nanalo bilang Best New Male Recording Artist nila sa Star Awards for Music noong 2014 para sa album niyang Kinabukasan under Ivory Records.

Teka, may PR mo­ney din kayang involved sa pananalong ito? Wala bang ethics committee hearing ang PMPC?

***

Finally, natuloy na ang showing ng Tuos simula kahapon sa SM Megamall.

Nagkaroon ng problemang teknikal kaya hindi natuloy ang showing nito noong Miyerkules.

Inaayos na rin ang showing nito sa SM Iloilo.