Gitgitan na ang labanan sa “2019 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Breeder of Year” race sa Pasay City Cockpit sa pagpasok ng ikatlo at huling leg sa Oct. 25 at 28.

Sasagupa ang mga kalahok sa 3-stag elims sa Biyernes at 5-stag grand finals sa Lunes na mga ihahatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Nangunguna ang baguhang si Francis Guevarra ng JJ Airbender Migs na may 12 points sa ‘Breeder’ race tapos magkampeon sa LGBA 7-stag derby nitong Lunes, at si co-champion Honey Yu ng Princess Bernice.

May 11 puntos sina first leg champion Ronald Barandino ng Jan. 10 Pasay 4-Cock RB Basilan, Limuel Reyes ng RLJ Tymolox at Rick Tamboong ng RTT kasunod sina Rey Tolentino ng RMT GF 2 na may 10.5 pts. at Hector Magpantay ng HGM, 10 pts.

Nakadikit sina Jun Sevilla, Larry Wacnang, Gerry Escalona, Nick Crisostomo, Ricky Magtuto, Arnold dela Cruz, Jeffrey at Aylwyn Sy, Allan Cantal, Rey Liwanag, Anthony Lim, Boy Tanyag, Atty. Raul Gorospe, Robert del Rosario, Toto Gregore, Dennis Lumpay, Carlos Tumpalan, Raymond Velayo, Sonny Bello, Del Mendoza, Jervy Maglunob at Noel Cosico.

“It’s still anybody’s race. The participants have to go through the difficult third leg, which is an 8- stag derby,” ani LGBA president Nick Crisostomo nitong Martes.

Sa ibang detalye, kontakin sina Erica sa 0945 4917 474, Ace sa 0939 4724 206, 843 1746 at 816 6750. (Enjel Manato)