Inihayag ng San Pablo City Police na tukoy na nila ang mga miyembro ng isang fraternity na sangkot sa hazing ng isang 18-anyos na crimino­logy student sa Laguna State Polytechnic University.

Base sa ulat, inihayag ni San Pablo City Police chief Police Lt. Col. Eliseo Bernales na may hawak na silang listahan ng mga miyembro ng hindi binanggit na pangalan ng fraternity pero hindi muna nila ito isasapubliko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nabatid din na magsasampa ng kaso ang pamil­ya ng hazing victim na si Jonathan Corcodia, laban sa mga sangkot sa sinapit nito.

Si Concordia ay isinugod sa Chinese General Hospital matapos mag-collapse habang nasa gym ng kanilang eskuwelahan.

Sa pagsusuri sa kanya, nakitaan ang biktima ng mga palatandaan sa kanyang katawan ng pamamalo.