Frayna lumalapit sa WGM title

Tutok pa rin si Philippine national women’s champion Woman International Master Janelle Mae Frayna sa kasaysayan para maging pinakaunang makakopo ng Woman Grandmaster title sa pagkipkip sa liderato ng World Junior Boys and Girls Chess Championships (Under-20) 2016.

Sa Bhubaneswar, Odisha, India, muling nakihati sa isang puntos ang 19-year-old FEU Psychology major graduating student kay 24th seeded WIM Pv Nandhidhaa ng India para makakulekta na ng 5.0 points mula sa posibleng six at kapitan ang taas ng field.

Nakabuntot sa Bicolana chesser sina WIM Dinara Dordzhieva ng Russia (ELO 2304) at untitled Indian K Priyanka.

Inaasinta ni Frayna ang kanyang third and last WGM norm sa torneo para tanghaling unang WGM ng bansa.