Pinisak ni Pinay woodpusher Janelle Mae Frayna si Dutch International Master Koen Leenhouts sa 44 moves ng English Opening para sumalo sa unahan matapos ang five rounds ng 21st Hogeschool Zeeland Open 2017 sa Vlissingenm, Netherlands.

Inatake agad ni 21-year-old Frayna ang kalaban sa umpisa ng laro at sa kalagitnaan ay nagpalitan ng piyesa na pu­mabor sa Pinay Wo­man Grandmaster.

Humina ang depensa ni Leenhouts, sinamantala ito ni dating Far Eastern University standout Frayna para makaliikom ng 4.4 points, kasalo ang anim pang chessers na kinabi­bilangan ng makakatapat niya sa sixth round na si Russian GM Landa Konstantin.

Ang ibang nasa tuktok ay sina Venezuelan GM Eduard Iturrizaga Bonelli, Dutch GMs Benjamin Bok, Jorden Van Foreest at Roeland Pruijjsers at Indian IM R Praggnanandhaa.

May 4 points si GM Jayson Gonzales, ang coach at trainer ni Frayna.

Samantala, second place si Pinoy GM Darwin Laylo sa FIDE International Chess Tournament Jaksa Agung Cup sa Indonesia.

Kinalos ni Laylo si GM Susanto Megaranto sa last round para makalikom ng 9 points sa 11 rounds.