Kahit team competition, misyon din sa sarili ni Woman International Master Janelle Mae Frayna na maipako na ang third and final norm sa 42nd World Chess Olympiad 2016 na magsisimula bukas sa Baku, Azerbaijan.

Kasama ni Frayna sa pinakamalakas na wo­men’s team na binuo ng National Chess Fede­ration of the Philippines sina WIM Jan Jodilyn Fronda, W National Master Christy Lamiel Bernales, W FIDE Master Shania Mae Mendoza at WIM Catherine Perena-Secopito.

Asam nilang mahigitan ang worst finish 64th place 41st WCO 2014 sa Tromso, Norway na unang nangyari sa 35th WCO 2002 sa Bled, Slovenia.

Huling sumala si Frayna, 20, sa last WGM norm at sumala na ma­ging unang Pinay na WGM player nang pumanlima lang sa banderang kapos na kampanya sa buwang ito ng World Junior Chess Championships sa India kung saan ang nakuhang aniyang leksyon dito’y bibitbitin niya sa Azerbaijan.

“I have so much lesson’s learn from that experience,” sambit ng FEU Psychology Cum Laude candidate. “God willing po and if He allowed, makuha na sana. But come what may, enjoy and have fun kami.”

Paalis ngayong alas-9 ng umaga ang mga players pati ang men’s team at darating bukas ng alas-12 ng tanghali.