Nalasap ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang unang kabiguan nang hindi umubra kay Atul Dahale ng India sa third round ng XX Obert Internacional Sant Marti 2018 sa Barcelona, Spain, Linggo nang gabi.

Napako sa 1.5 points si 22-year-old Frayna, kasalo siya sa 47th place.

Tabla naman ang laro ni International Master John Marvin Miciano kay FIDE Master Bernat Serarols Mabras upang ilista ang 2.5 points, kalahating puntos na hinahabol sa anim na player na nasa lead pack kasama si top seed Gadir Guseinov ng Kazakhstan.

Sisikapin ni Miciano na umakyat sa leaderboard kaya nasa isip nito na pisakin sa susunod niyang laro si Indian woodpusher Das Abishek sa fourth round habang kalaban ni Frayna si Ukrainian Oleksandr Khudov.

Si GM Jayson Gonzales na ginagabayan sina Miciano at Frayna ay natalo kay fourth seed Yasser Quesada Perez, may dalawang puntos siyang nalikom papasok ng round four.

Sunod na kalaro ni Gonzales si Gil Javier Garcia ng host country.