Freddie ‘di bagay sa Senado – Noel

Hindi pabor ang singer-songwriter na si Noel Cabangon sa pagtakbo bilang senador ng kasamahan niya sa industriya ng musika na si Freddie Aguilar.

Sa eksklusibong panayam ng Abante-TONITE, sinabi ni Cabangon na hindi bagay para kay Aguilar ang maging senador.

“Sana ‘di na lang siya tumakbo kasi ‘di siya bagay dun,” maikling pahayag ni Cabangon matapos hingan ng reaksyon tungkol sa pagtakbong senador ni Aguilar.

Kabilang si Aguilar sa mga inendorsong senatorial candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paniniwalang malaki ang maitutulong nito kapag naluklok sa Senado.