FREE RIDE!

**San Sebastian 9-0
*Arellano U 8-1
*College of St. Benilde 6-3
*San Beda College 6-3
Perpetual Help 5-4
Lyceum of the Philippines 5-4
Jose Rizal U 3-6
Letran 2-7
EAC 1-8
Mapua 0-9
**-finals
*-semis

Nilibre ng Arellano University ang San Beda at defending champion College of Saint Benilde sa semifinals matapos paiyakin ang Perpetual Help 17-25, 25-16, 25-1, 25-13 kahapon sa huling araw ng elimination round ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Kaya lang, stepladder ang labanan sa semis dahil sinuwag ng last year’s runner-up San Sebastian ang outright spot sa championship round bunga ng nine-game sweep sa eliminations. Hu­ling biktima ng squad ni Roger Go­rayeb ang defending champion Benilde 22-25, 25-22, 25-13, 25-14.

Kampante nang nag-aabang ang Lady Stags na sa ikalawang sunod na season ay thrice-to-beat ulit sa finals. Noong isang taon, nalusaw ang bentahe ng Baste at tumiklop sa Lady ­Blazers.

Ayaw na itong sariwain ni Go­rayeb.

“Past is past. We have to move forward and try to focus on what we have right now, and that is how to prepare the finals and win the title,” aniya.

Tumikada si Jovielyn Prado ng 15 points, may pinagsamang 23 points sina Regine Arocha at team captain Rialen Sante para sa Lady Chiefs na inupuan ang No. 2 kalong ang 8-1 card.

May tig-6-3 ang Saint Benilde at San Beda Red Spikers na maghaharap sa knockout stepladder match, ang mananalo ay babangga sa twice-to-beat Arellano.

Makakahirit sana ng playoff ang Lady Altas sa semis kung tinalo nila ang Lady Chiefs.

Tinapos ng Perpetual ang kampanya sa 5-4 baraha, napadpad sa fifth place.