Games ngayon: (Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. — Mahindra vs. Meralco
5:15 p.m. — Star vs. TNT KaTropa

Nilibre ng Alaska ang Ginebra sa outright top four finish na twice-to-beat sa quarterfinals ng PBA Go­vernors’ Cup, pinagbakasyon na rin ang GlobalPort at Star makaraang iligwak ang Phoenix Petroleum, 103-87, sa unang laro sa Mall of Asia Arena kahapon.

Kinagabihan, tinagay ng San Miguel Beer ang 82-75 decision kontra Rain or Shine sa battle of champs para rin sa bonus.

Lumiwanag pa ang paghahabol ng Alaska sa isa sa apat na quarters berth sa third straight win pa-5-5 slate para gitgitin sa quadruple-tie sa fifth ang biktima at mga idle Meralco at NLEX.

Niregaluhan ng Aces ang Gin Kings (7-2) ng bonus na unang nadale ng TNT KaTropa (8-2) sunod ang holder Beermen (7-3). Out na sa susunod na round ang Batang Pier (3-7), Hotshots (2-7) at Blackwater (1-8).

Anim na Aces ni coach Alex Compton ang tumapos ng 10 points pataas sa pangunguna ng 19 ni RJ Jazul. May 18 points, 21 rebounds si Calvin Abueva at 15 at 20 kay LeDontae Henton.

Sa tinunggang 20 points, kinapos ng isang rebound si Arwind Santos para hanayan sa double-double jobs sina Mike Singletary (23-12) at June Mar Fajardo (11-12) sa SMB.

“We know the importance of this game. At the start I’m a bit worried coz of what happened to our team,” sambit ni San Miguel coach Leo Austria. “Alex (Cabagnot) didn’t practice for the last three days because of viral. Singletary, we will evaluate. It (kapalaran ni Singletary) depends kasi usually collective decision ito.”

Nahulog sa 4-6 ang Elasto Painters, nameligro ang asam na 10 straight Final Four stint.