Free throw ni Barton nagpanalo sa Denver

Umiskor si Will Barton ng 19, huli ang dalawang free throws 8 seconds na lang sa laro at pinigil ng Denver Nuggets at Sacramento Kings 120-115 Linggo ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Nakuha ni Michael Porter Jr. ang una niyang career start, nag-deliver ang rookie ng season-high 19 points at 6 rebounds. May 17 points at 8 rebounds pa si Nikola Jokic sa Denver.

Bumalik sa lineup ng Kings si De’Aaron Fox at nagsumite ng 18 points at 13 assists. Umiskor si Nemenja Bjelica ng 27 pero ‘di naisalba ang Sacramento sa seventh straight loss.

Lamang ng 14 sa kalagitnaan ng final period ang Nuggets pero nagbaon ng apat na 3-pointers ang Kings – dalawa kay Bjelica at isa kay Buddy Hield na tumapos ng 20 points – para dumikit sa tatlo.

Anim na free throws ang tinuhog ng Denver sa stretch para kumapit sa panalo. (Vladi Eduarte)