Inaasahan na mararamdaman na ang “uninterruptable” na supply ng wifi sa mga movement areas ng apat na passenger terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Jess Martinez, hepe ng Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority (MIAA), inihahanda na ng PLDT Smart Communication sa pangunguna ni chairman Manny V. Pangilinan ang lahat ng “necessary equipment” para sa paglunsad ng internet connection sa paliparan sa darating na September 23, 2016.
Nabatid na maraming dumarating at paalis na pasahero ang umaangal sa mahinang internet connection sa paliparan na ikinabit ng ibang service provider.
Sa kasalukuyan ay nasa final stage na para mabigyan ang mga pasahero at airport user ng mabilis na internet connection na ipinangako ni Pangilinan.