Kinilig si dating Pangu­lo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo matapos mapansin ang kanyang ganda sa kauna-unahang press conference nito sa Kamara simula nang makalaya mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Si Arroyo ay humarap sa press conference bilang House deputy speaker na kumakatawan sa Central Luzon bloc, para suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklarang state of lawlessness, hindi lamang sa Davao kundi sa buong bansa.

Isang tila bagong labas sa parlor na Arroyo ang dumating sa press confe­rence room kaya sa gitna ng press conference ay natanong ito kung naka­tulong ba ang kanyang kalayaan para maibalik ang kanyang ganda.

Dito na kinilig si Arroyo na tuwang-tuwang sumagot ng “Freedom is always, ah, very healthy.”

Kumpara noong naka-hospital arrest ito sa Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kasong plunder, nawala na ang pagiging haggard nito at nawala na rin nang tuluyan ang kanyang neck brace.

Sa gitna ng mga tawanan at biruan, tuwang-tuwang sinabi ni Arroyo na “hahahaha… sabi ni Merc­i (House deputy spea­ker Mercedez Alvarez) baka humingi kayo ng beauty tips.”

4 Responses

  1. Naging masigla, masaya at healthy si GMA pagkatapos lumaya malayo sa noon naka-detained siya sa hospital. Halatang nagsakit-sakitan lang siya noon para sa magarang hospital suite tumira.