Joel Reyes Zobel

Kalayaan. Napakasimpleng konsepto na sa pag-aakala mo ay mabilis na maintindihan ng tao. Mukhang hindi po ganun ang nangyayari lalo na kapag ang tao ay ginagamit ang kanyang kalayaan sa pamamahayag sa pagtalakay sa isyu ng politika, ang batas, ang papel ng estado, lalo na sa relihiyon.

Ano ba ang ibig sabihin ng kalayaan? Pagkakaroon ng kakayahan na gawin o piliin ang gusto ng tao.

Maganda ang konsepto ng kalayaan. Ang kalayaan ay isang bagay na epektibo kapag ginagamit na marahan. Ang kalaya­an ay delikado kapag ginamit ng todo-todo. Pero san ho ba natin nililinyahan ang lehitimo sa illegitimate na limitasyon ng kalayaan ng tao.

Labis na raw ang paggamit ng pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang freedom of speech lalo na sa pagbanat sa simabahang katoliko. Ang mga pari’t obispo ay madalas niyang gamiting paksa sa kanyang mga talum­pati ang mga alagad ng simbahan. Ang ibang pari tuloy, lalo na ang mga kritiko ng kanyang war on drugs ay nakatatanggap na ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Sa tuwing mananawagan naman na tigilan na ang pagbanat sa simbahan, sasabihin ni secretary Salvador Panelo na bahagi ito ng kalayaan ng pangulo sa pamamahayag.

Bakit ba iligal ang pumatay ng tao? Dahil ang lahat ng tao, gustong mabuhay. Mas nananaig ang katauhan ng tao na mabuhay kaysa sa mamatay kaya bawal ang pumatay. Kung ayaw ninyong gumulo ang mundo, meron itinatakdang limitasyon sa kalayaan ng tao.

‘Pag ang kalaya­an­­ mo sa pamamahayag ay nakatapak na sa karapatan ng iba, hindi lamang po moral na ito ay ipatigil kundi hindi ito maiiwasang ipatigil.

Freedom of speech is not absolute. Huwag naman po sanang abusuhin lalo na ng mga pinuno na tiniti­ngala ng kanyang mga tagasunod, nang mamamayang kanilang pinagsisilbihan.

Sabi ni voltaire, i may not agree with what you’re saying but i will defend with my life, your right to say it. Pero dapat alam po natin ang ating limitasyon.