Matagal nang kapit sa patalim ang may 11,000 stranded OFWs sa Saudi Arabia bagama’t 2,000 na ang nakauwi sa Pilipinas.

May naglaslas na ng leeg at pulso at may nagbitay na rin sa mga OFWs, ayon sa isang DSWD undersecretary at isang kongresista.

Ang pagsu-suicide ng ilang OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi ay kinumpirma ng ilan sa 27 OFWs na na-interview sa airport kamakalawa matapos ma-repatriate.

Recession

Isang welder ang nagbigti out of frustration sa pagkakatanggal sa trabaho dahil sa recession ngayo­n sa oil-rich country.

Napaka-dire ng sitwasyon ngayon sa Saudi kung kaya ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac ay matagal nang itinigil ang recruitment ng OFWs para sa naturang bansa.

Imagine that: Ang Saudi ang No.1 job destination ng OFWs sa huling tatlong dekada per­o freeze hiring doon ngayon, ayon sa hepe ng POEA.

P58.6M

Ang 11,000 stranded OFWs ay matagal na pinabayaan ng nakaraang administrasyon, ayon kay Edna Medina, asawa ng isang na-layoff na OFW sa Saudi.

Nitong July (sa pagpasok ng administrasyong Duterte) lang bumuhos ang tulong sa stranded ­OFWs.

In all, P58,662,697 cash grants (P20,000 sa bawat OFW at P6,000 sa bawat pamilya nila sa Pilipinas) ang naibigay na ng OWWA sa may 3,980 OFWs.

Papanagutin

Ang tanong: Bakit umabot sa kalunus-lunos na sitwasyon ang stranded OFWs sa Saudi Arabia? Sino ba ang dapat managot sa nakaraang administrasyon sa pagbalewala ng kanilang mga hinaing.

Tama lang na iutos na ni President Rody Duterte ang agarang repatriation ng may 9,000 pang stranded­ OFWs.

Tutal ay mismong ang hari na ng Saudi ang nag-utos na i-waive ang visa penalties so we see little difficulties in getting exit documents para sa ating mga kababayan.

Come Follow Me on Twitter 2beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may ipinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com o tumawag sa 551-5163.