“Bigger, bolder and better!”

With a tandang pandamdam ang pangako nina Frenchie Dy, Radha at Bituin Escalante para sa concert nilang The Big Big Show Again! sa Theatre at Solaire sa Biyernes.

“Mas maraming pasabog na solo songs, may powerful at harmonious trio numbers, at magsasayaw rin kami. Balakang overload ito. Hahaha!” patawang hirit ni Dy.

Sa totoong buhay, magkakaibigan ang tatlo kaya, “Walang sapawan. Walang halimawan. Soul at saucy sisters kaming tatlo,” pahayag ni Radha.

Chika ni Escalante, “We are also wonderful story tellers and we tell the stories of our lives, through our song choices.

“Our experiences have made us rich kaya we want to share our musical and life riches sa mga audiences.

“Kung noong una, masaya na siya… ay! Mas raised to the power of three ito!”

***

MARAMI ang nagtatanong sa diva that you love kung ano ang masasabi ko sa LIVE IN issue kuning-kuning nina Nadine Lustre at James Reid.

Hindi ako moralista, hindi ako finger pointer at lalong hindi ko sila ka-close at kaibigan in a personal capacity para sabihang mali ang kanilang ginagawa.

Hindi rin ako nanalig at lalong hindi sumasang-ayon na may chance na ang mga kabataan na humahanga sa kanila, maaaring sila ay gayahin.

Sobra kayong mag-generalize sa mga kabataan. Kung magsalita kayo, parang hindi ninyo sila pinalaki at inarugang tama.

Kaya andiyan ang mga magulang, they must guide and properly inform their tweens and teens especially on matters of sex and romance.

The moment your kids inquire how babies are made, dapat may handa na kayong sagot.
Hindi na po 1917, 1967, 1977 o 1987. Sabi nga ni Nadine, 2017 na.

Hindi siguro bulag, pipi at bingi sa katotohanan ang magulang of this so called impressionabe millennials lalo na’t ang access to adult sites are just one click of a mouse away.

The moment puberty kicks in and the bodily changes happen, the curiosity about sex is heightened. Realidad ‘yan.

Kapag busog ang mga bata sa tamang paggabay, pagmamahal at tamang impormasyon, may pana­nalig ang diva that you love na they will remain chaste and pure until the time is right,

In their mid-twenties na sina Lustre at Reid, they are young and they are entitled to do a lot of fun and stupid adventures and things as they mature.

Bago nila ginawa ito, kung ginagagawa na ba nila ang co-habiting, alam nila ang pros and cons, they have weighed the eventual consequences and outcomes.

As young adults, res­ponsable na ang dalawa. Choice nila ‘yan. Whatever happens, sila lang ang dapat magbunyi o magsisi.

At sa mga magulang, kesa binabantayan ang bawat kilos at galaw nina Nadine Lustre at James Reid, mas mainam sigurong ang mga sarili ninyong mga anak ang inyong bantayan at gabayan.

Ang inyong paternal at maternal concerns at energies, ibuhos sa mga tunay ninyong mga anak. Huwag sa mga artistang ni hindi tayo kilala.