MALAKI ang pasasalamat ng kampo ni Albie Casiño dahil lumabas na ang katotohanang hindi ang aktor ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Si Jake Ejercito na anak ni Erap kay Laarni Enriquez ang talagang tatay ng anak ni Andi.

Si Max Eigenmann (half-sister ni Andi sa amang si Mark Gil) ang nagkuwento tungkol doon sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times with Mo Twister noong Huwebes nang gabi.

Noong Biyernes, parang national issue ang pambubuking na ‘yon ni Max sa katotohanang si Jake at hindi si Albie ang totoong ama ni Ellie.

Tinawagan namin ang management team ni Jaclyn Jose (nanay ni Andi) para kunan ng pahayag ang premyadong aktres, pero nagte-taping daw si Jaclyn at hindi sigurado kung magsasalita.

Si Albie, hindi sigu­rado kung magbibi­gay ng official statement, pero nag-post sa kanyang social media account ng THANK YOU na obviously ay tungkol sa katotohanang sumambulat.

Kung matatandaan, nakaapekto noon sa career ni Albie ang issue na siya ang ama ng anak ni Andi, na ikinaila niya.

Nagkaroon lang uli ng ningning ang career ni Albie nang bigyan siya ng second chance ng Dreamscape at ABS-CBM at isali sa romcom series na On The Wings of Love nina James Reid & Nadine Lustre.

Albie Casiño
Albie Casiño

Ilang kilalang kaibigan ni Andi ang tinawagan namin para tanungin tungkol sa bagay na ‘yon.

Ang unang nakausap namin ay tumangging magkomento tungkol sa bagay na ‘yon at wag na raw siyang ida­may pa sa issue na ‘yon lalo na at naintriga noon na nakabangga niya si Albie dahil sa pagtatanggol kay Andi.

Ang pangalawang kaibi­gan ni Andi na taga-showbiz rin ay nagulat sa pambubuking ni Max at sinabing noon pa niya alam na si Jake talaga ang ama ni Ellie, pero hindi niya ikinukuwento dahil ayaw­ niyang pangunahan ang kaibigan.

Nagtataka siya kung bakit ibinunyag ni Max ang open secret noon pa naman nila alam.

6 Responses

  1. Mas ok naman maging makati Ang bata at least kaidaran ang taga kamot. Kesa naman sa Amoy kabaong na makati pa rin tapos ang taga kamot apo na Lang sa talampakan. Ang bata nilalapitan ang matandang hukluban namimilit at nagbabayad mairaos Lang ang kati.