Isang 29-anyos na nurse frontliner ng Barangay Mayombo, Dagupan City ang na-discharge mula sa ospital matapos magnegatibo sa coronavirus disease-19 (COVID-19) noong Huwebes, ayon sa Dagupan City-Public Information Office (DC-PIO).

Ayon sa official Facebook ng DC-PIO, ang nasabing pasyente ay ikalimang frontliner na nagpositibo sa virus ngunit nakarekober ito.

Sinabi ni Region 1 Medical Center (R1MC) officer Dr. Ophelia Rivera na ang 29-anyos na nurse ay nadapuan ng COVID-19 nang magtrabaho siya bilang frontliner ng R1MC.

Ang pasyente ay sumailalim sa self-quarantine noong March 28 at nagkaroon ng swab test noong April 12. Siya ay na-admit sa R1MC noong April 15 at doon nadiskubreng positibo siya sa COVID-19.

“We are thankful that we have another recovery. But again, this should not be the reason for us to be complacent. About 25 to 30 percent of those infected with the Covid-19 virus are asymptomatic. We can only find asymptomatic carriers if we have a random testing capability specifically targeting highly susceptible individuals,” ani Dagupan City Mayor Marc Brian Lim. (Allan Bergonia)