Mananatili ang fuel surcharge para sa mga pasahero ng eroplano sa level 2 sa papasok na Enero hanggang Pebrero 2020.
Ayon sa advisory ng Civil Aeronautics Board (CAB), ang average na presyo ng jet fuel noong Oktubre hanggang Nobyembre ay nasa US$77.28 per barrel samantalang ang palitan ng piso laban sa dolyar ay nasa P51.12 naman.
Sabi ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla, katumbas ito ng P24.85 per liter na nasa level 2 ang katapat sa passenger fuel surcharge matrix na sinimulan noong 2018.
Sa level 2 ng passenger fuel surcharge matrix, papayagan ang mga airline na maningil ng karagdagang P45 para sa unang 200 kilometer, P77 sa susunod na 200 kilometer, at P98 sa hanggang 600 kilometer na biyaheng domestic.
Nasa P131 naman ang fuel surcharge para sa biyaheng 601 hanggang 800 kilometer, P154 hanggang sa 1,000 kilometer at P171 kaqpag lampas ng 1,000 kilometer.
Para sa international flight, P218 ang idadagdag na fuel surcharge para sa biyaheng Taiwan, Hong Kong, Vietnam, Cambodia at Brunei at P265 sa biyaheng China.
Nasa P317 naman ang fuel surcharge para sa papuntang Singapore, Thailand, Malaysia, at Guam at P385 kapag papuntang Indonesia, Japan, South Korea, at Port Moresby.
Sa Australia at Middle East, P814 ang fuel surcharge at P1,282 naman para sa New Zealand, at Honolulu. Nasa P2,076 naman ito sa biyaheng papuntang Estados Unidos at Englatera.
Para sa mga airline na gustong maningil ng fuel surcharge, kailangan nilang maghain ng aplikasyon sa CAB bago mag-Enero. (Eileen Mencias)