Napagod na sa pagtatatalo ang TNT KaTropa, heto na sila at full-charged na humaharurot sa PBA Governors’ Cup.

Nakasiguro na ng puwesto sa quarterfinals at twice-to-beat pa, hindi pa rin naglubay ang KaTropa nang kubabawan ang Star, 115-105, noong Linggo sa Mall of Asia Arena. Nilista ng TNT ang pa­ngatlong sunod na ‘W’ tungo sa league-leading 9-1 card.

Sakaling manaig ang KaTropa sa Ginebra (7-2) sa pagtatapos ng eliminations sa Linggo, magi­ging top seeds ang hukbo ni coach Jong Uichico at isang beses lang kailangan manalo kontra sa No. 8 sa quarters. Pero kung tatalunin ng Gin Kings ang Phoenix bukas at sa TNT, ang crowd darling ang magiging No. 1.

“We’re waiting lang naman kung what our pla­cing would be at kung sino (makakatapat),” ani Uichico. “So we have to wait for the next few games kung sino makakalaban namin and what place we are in the top four.”

Gusto nilang ituloy ang momentum at mataas na intensidad hanggang susunod na round.

Malaking bagay na sa TNT na tatapos ng hindi bababa sa No. 2 pagkatapos ng elims.

Pagkatapos magkampeon sa 2015 Commissioner’s Cup, hindi tumaas ng sixth ang KaTropa sa nakalipas na tatlong conference.

“I guess for three straight conferences we underachieved. I think we got to a point that we were tired of losing,” diin ni TNT guard Larry Fonacier, off the bench ay may 21 points at seven rebounds kontra Hotshots.

Ayaw pa nilang makuntento, misyon ng KaTropa na makarating hanggang finals at kontakin ang titulo. Sa high-intensity game nila sa kasalukuyan, hindi malayong mangyari.