Sanib-puwersa na ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa ipapatupad na mga konkretong hakbang para tuluyan nang masolusyonan ang problema sa trapiko.
Ito’y ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Engineering Center Director Noemi Recio.
Ayon kay Recio, seryoso at determinado umano ngayon ang pamahalaan na sa loob ng anim na taon ay may magandang mangyari sa transportasyon partikular ang pagtugon sa problema ng trapiko.
Umaasa ang MMDA na sa loob ng anim na taon ay may mga magagandang mangyari sa transportasyon.
Kaya ngayon, halos araw-araw umano ang pag-uusap ng ibang ahensiya ng pamahalaan partikular ang technical committee na kinabibilangan ng Department of Transportation and Communication (DOTC); Land Transportation Office ( LTO), Land Transportaiotn and Franchising Regulatory Board (LTFRB); Highway Patrol Group (HPG) at MMDA.