Malungkot pero puno ng pag-asa ang Pasko ng former “PBB” housemate na si Fumiya Sankai. Ito ay matapos ma-diagnose na may butas ang kanyang kanang baga.
Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi niya ang malungkot na balita. Kamakailan lang ay nag-guest siya sa “Gandang Gabi Vice” at ngayon ay nasa Japan na siya para sumailalim sa isang operasyon.
Paliwanag niya, “My lungs has butas. Kanina I was talking with doctor and then he said I have a hole, that’s why they will cut my lungs then they will remove the butas of my lungs.”
Bukod pa rito, may posibilidad din na may butas ang kanyang kaliwang baga. Kaya naman labis na nahihirapan si Fumiya lalo na sa tubo na nakakabit sa baga niya.
Aniya, “Now this tube is inside my lungs. It’s 20 centimeters. Sometimes the tube touches my back, very masakit, very difficult to move.”
Inulan naman ng dasal at suporta mula sa kanyang mga fan. Maraming umaasa sa tagumpay na operasyon at sa mabilis niyang recovery. (Rona Ronda)