Futsal program ng Allianz pinarangalan

Ginawaran ng Silver Award para sa “Best Youth Sports Development Program” ang Allianz PNB Life para sa natatanging programa nito sa futsal sa Sports Industry Awards (SPIA) Asia na ginanap nitong Disyembre 3 sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City.

Ang parangal ay para sa Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI) na taunang itinataguyod ng naturang global insurer kung saan kaagapay nito ang Henry V. Moran Foundation at Philippine Football Federation (PFF).

“We at Allianz believe that engaging in sports is a good way for children to learn discipline and achieve their dreams. With this award, we are further affirming our commitment to continue to provide a venue for Filipino kids to be trained in the sport of futsal or football under the best coaches, so they can reach their goal of playing as world-class professional football players,” sabi ni Gae Martinez, Allianz PNB Life chief marketing officer.

Kinilala ang ANYFI, na nasa ikatlong taon na, dahil sa kontribusyon nito para isulong sa bansa at sa kabataan ang mga larong futsal at football.