‘Yan ay dapat ipagdasal for guidance and wisdom.
Ito ang naging sagot ni Davao City Mayor Sara Duterte kaugnay ng kanyang plano sa politika pagkatapos ng 2019 midterm election.
Sinabi ito ng Presidential daughter sa proclamation rally ng mga kandidato sa pagka-senador ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Freeport Authority of Bataan (FAB) sa Mariveles, Bataan.
Sinuportahan naman ng tumatakbo sa pagkasenador na si Francis Tolentino ang posibleng pagtakbo sa national position ng alkalde, ngunit para kay Duterte hindi pa umano ito ang panahon para isipin ang 2022 election.
“Masyado pang malayo ang 2022. Marami pang mangyayari bukas, sa susunod na araw, sa susunod na taon,” sabi ni Duterte.