Naglalabasan na ang mga miyembro ng BIGBANG mula sa kanilang mandatory military service.

Nauna nang lumabas si T.O.P. noong July 6, 2019. Ang pinakabago ay ang leader ng grupo na si G-Dragon.

Na-discharge mula sa kanyang mandatory military service si G-Dragon kahapon ng umaga, October 26.

Sinalubong siya ng mahigit 3,000 fans sa Yongin, Gyeonggi Province.

Nagpasamat si G-Dragon sa libo-libong fans na sumalubong sa kanya. Aniya, “I’ve returned after completing my military service. Thank you for waiting for me and for coming to see me today. I will be returning to my original occupation, and I will work hard.”

Noong isang taon, February 27, nag-enlist ang idol at nag-serve sa 3rd Infantry Division, known as the “White Skull” or skeleton unit, sa Cheorwon, Gangwon Province.

Dalawa na lang sa mga miyembro ng BIGBANG ang nasa loob ng military. Ito’y sina Taeyang at Daesang.

As we all know, ang pinaka-maknae ng grupo na si Seungri ay nag-retire na. Kasalukuyan pang hinaharap ang iba’t ibang kaso at scandal niya.

Ang tanong ngayon, mula sa pagiging limang miyembro ng BIGBANG, ano na nga ba ang mangyayari? Tuloy-tuloy pa rin ba ang apat na miyembro as a group? O, posibleng bawat isa sa kanila ay magkakaroon na lang ng solo career?