MARAMI kaming kaibigang millennials na avid fans ng Encantadia.
As in tutok na tutok sila gabi-gabi sa Kapuso telefantasya.

Naalala namin na 11 years ago ay nahu­maling din kami sa original Encan­tadia na naging phenomenal fan­tasy series nu’ng panahon nito.

Nakakatuwa na may bagong ­audience ang requel nito at kinagigiliwan ito ng millennials.
Pak na pak sa kanila si John Arcilla bilang kontrabidang si Hagorn.

Sa mga Sang’gre, gandang-ganda ang mga boys kay Gabbi Garcia (Alena), habang ang girls ay bet na bet ang yummylicious hunk na si Ruru Madrid (Ybarro).

Naseseksihan ang millennial guys kay Sanya Lopez (Danaya), naaastigan sila kay Kylie Padilla (Amihan) at naga­galingan kay Glaiza de Castro (Pirena).

Paborito nilang pag-initan si Gurna na ginagampanan ni Vaness del Moral. Benta sa kanila ang pagiging tagasulsol ni Gurna kay Pirena.

Kaya natawa kami sa tsikang dumadami na ang naiinis sa karakter ni Vaness, na minsan ay natatakot na siyang lumabas ng bahay dahil sa mga imbiyerna kay Gurna.