Kapansin-pansin ang closeness at ang pagiging sweet nina ­Gabbi Garcia at Ruru Madrid on-cam, off-cam at sa social media.

Kaya ang hanash ng marami, malamang na ma-develop sila sa isa’t isa.

Ani Gabbi, sobrang naa-appreciate niya ang ugali ni Ruru lalo na ang pagi­ging sweet nito sa kanya.

“Ako siguro, may times na sweet ako pero si Ruru ‘yung consistent talaga, as in from the smallest to biggest things,” sey ni Gabbi, na isa sa mga Sang’gre ng Encantadia.

***

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

SI Daniel Padilla ang bagong Aga Muhlach — gifted soul.

Ganyan inilarawan ni Direk Olive Lamasan ang anak ni Karla Estrada.

Kaiba ang para kay Kathryn ­Bernardo.

Isang matipid na “she’s a butterfly” lang ang sagot ni Inang.

***

Ipapalabas na sa Sabado (Set­yembre 10) sa GMA 7 ang episode ng Karelasyon kung saan guests sina Mark Newmann at Kris Bernal.

May kasunod kaya ang paglabas na ito ng half-German actor sa ­Kapuso Network?

***

Pinarangalan bilang “Media Personality of the Year” ng SKAL International Tourism ­Personality Awards ang COO (Chief Operating Officer) for broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.

Ito ay para sa kanyang kontribusyon at patuloy ng pagtataguyod ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng mahusay na programang pantelebisyon, pelikula, and iba pang platforms ng Kapamilya Network.

“Like all of you, I share and support your advocacy in promoting tourism through excellent content in television, film, print, digital and all our other platforms,” sabi ni Vidanes.

“In ABS-CBN, the core of being in service of the Filipino people is to be trusted.

“In many ways, we share the same vision of SKAL International — to be a trusted Voice in travel and ­tourism.”

***

Nalalapit na ang wakas ng telefantasyang Magkaibang Mundo sa GMA 7, kaya lalong umiigting ang mga hiwaga at ganap dito.

Ikukulong ng hitod na si Jeffrey (Dion Ignacio) ang duwendeng si Inoy (Juancho Triviño) sa bote.

Itatapon ni Jeffrey ang bote sa ilog.
Kakapusin ng ­hininga si Inoy…

Si Pepay (Louise de los Reyes), bihag naman ni Barang (Ana Capri).

***

Parang ­nahihirapan na sa pag-iimbita ng guests ang Magandang Buhay.
Nagiging major guests na nila ang starlets like MJ Cayabyab and Kristel Fulgar.

Sana, habang tumataas ang ratings nila, mas madali na sana ang premium stars na mag-guest sa programa.

Naging standard word na ang ‘journey’at standard question ang, “Paano ka pinatatag ng mga pinagdaanan mo sa buhay?”

***

“Ma-pressure ka!”

Biro ‘yan ni ­Janice de Belen sa anak na si Inah de Belen, na bida sa upcoming afternoon series ng GMA na Oh, My Mama.

Kuwento pa ni Inah, “Sabi pa niya, kahit ano’ng mangyari sa career mo, always be humble and just be yourself. ‘Yun lang naman daw ang importante.”

***

Gaano katotoo na may tatlong batikang direktor daw ang namataang nag-a-apply sa US embassy dahil gusto na nilang takasan ang gulong nagaganap sa Pilipinas?

Mas mabuti pa raw na humayo na lang sila sa US para maging mas payapa ang buhay.

Mas payapa nga ba? Oh well, at least may choice sila, ‘di ba?